No Images found.

Operasyon laban sa mga motorsiklo may violation, tuloy-tuloy sa Puerto Princesa

Ayon sa panayam ng Palawan News kay Allan Mabella, ang traffic operations officer ng CTMO, wala silang itinakdang panahon para itigil ang operasyon laban sa mga motorsiklong walang rehistro, nagdudulot ng noise pollution, at ang mga driver ay walang lisensya galing ng Land Transportation Office (LTO).

Tuloy-tuloy ang magiging paghihigpit ng City Traffic Management Office (CTMO) at Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) laban sa mga motorsiklo na nagba-violate ng traffic rules at transportation law bagama’t ilang araw na lang ay pasko na.

Ayon sa panayam ng Palawan News kay Allan Mabella, ang traffic operations officer ng CTMO, wala silang itinakdang panahon para itigil ang operasyon laban sa mga motorsiklong walang rehistro, nagdudulot ng noise pollution, at ang mga driver ay walang lisensya galing ng Land Transportation Office (LTO).

“Wala tayong petsa kung hanggang kelan ang paghihigpit natin sa mga motorsiklo. Hangga’t may mga violator, tuloy-tuloy tayo,” sabi ni Mabella.

Umabot sa 79 motorcycle riders ang naisyuhan ng ticket, habang 57  naman dito ang na-impound sa isinagawang simultaneous checkpoint ng PPCPO sa anim na kalsada ng Lunsod, mula alas otso ng gabi noong Lunes (December 14) hanggang ala una ng madaling araw ng Martes ng (December 15).

Ang mga checkpoint ay itinalaga kaugnay pa rin sa mga reklamo ng ilang riders tungkol sa pangha-harass na kanilang naranasan sa bahaging norte at sur ng Puerto Princesa.

Ayon kay P/Cpt. Alevic Rentino ng City Police Station 2, ang mga reklamong snatching sa Ranchero Road sa mga barangay ng Sicsican at San Manuel, at ilang reklamong panghaharang at ng ilang mga kalalakihan na riding-in-tandem sa Tagburos hanggang sa area ng Magarwak sa Bacungan ang naging isa sa mga dahilan sa ginagawang paghihigpit sa mga motorsiklo.

“Sa Rampano, mayroon d’yang incident ng nahablutan ng cellphone. Naglalakad ang babae tapos biglang inagaw na lang ang cellphone niya. Kaya ginalugad na namin ang lugar na yan,” pahayag ni Rentino nang makapanayam ng Palawan News noong umaga ng Martes.

“Sa norte, yong magkasintahan galing ng bayan naman, Tagburos pa lang may napansin na silang dalawang motor na sumusunod sa kanila bandang 10 -11 ng gabi. Ang layo ng natakbo nila na sinusubukan silang i-block pa ng isang motor hanggang nakalampas na sila sa building ng Maritime sa Magarwak. Mabuti na lang may nakita silang bahay na natakbuhan nila na agad tumulong sa kanila,” dagdag pahayag ni Rentino.

Ilan sa mga kalsadang nilagyan ng checkpoint ay ang kahabaan ng San Miguel National Highway, Malvar St., Brgy. Irawan, Brgy. Sta. Lourdes, Brgy. Bacungan, at Brgy. Tagburos.

Ganito man, siniguro ni Rentino na ligtas pa rin ang mga dumaraang mga rider sa lugar dahil maliban sa ginagawa nilang paghihigpit ay tuloy-tuloy din ang kanilang monitoring.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry