Jul 5, 2020

Online seller at van driver, huli sa buy-bust sa Bataraza

Bukod sa nabiling isang sachet, nakumpiska pa mula sa dalawa ang tatlong sachet na naglalaman din ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at iba pang mga gamit at pera.

Isang babaeng online seller at lalaking driver ng van ang hinuli ng mga awtoridad matapos magbenta ng pinaghihinalaang shabu, Sabado ng gabi sa Barangay Rio Tuba, bayan ng Bataraza.

Ang mga suspek ay kinilala ng tagapagsalita ng Provincial Police Office (PPO) na si P/Capt. Ric Ramos, na sina Christian Ian Joseph Tabi Braganza, 24, at si Mary Jane Dagsallo Sibugan, 30, parehong residente ng nasabing lugar.

Nahuli ang dalawa matapos mabilhan ng mga awtoridad ng isang sachet ng hinihinalang shabu.

Bukod sa nabiling isang sachet, nakumpiska pa mula sa dalawa ang tatlong sachet na naglalaman din ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at iba pang mga gamit at pera.

Sa panayam ng Palawan News kay Redondo, nanawagan ito sa mga taong patuloy pa rin ang pagbebenta ng droga, na itigil na ang ganitong gawain at huwag ng dumagdag pa sa krisis na kinakaharap ngayon.

“Doon sa mga ilan-ilan na hindi pa rin tumitigil sa kanilang iligal na gawain ay nakikiusap ang PNP sa inyo, ang gobyerno natin na tigilan niyo na [ang pagbebenta ng droga], kasi nasa gitna na tayo ng krisis. Huwag na tayo dumagdag,” sabi ni Redondo.

May kinakaharap ang dalawa na kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(With reports from Jayra Joyce Taboada)

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry