Sep 25, 2020

Online classes ng mga estudyante ng PSU-Brooke’s Point, nag-umpisa na

Ayon kay Brooke’s Point mayor Mary Jean Felicinao, bagama’t nasa ilalim ng general community quarantine (CQG) ang kanilang bayan, sinisikap ng kanilang inter-agency task force (IATF) na maibigay pa rin ang mga kinakailangan na serbisyo ng mamamayan, maging ang kanilang edukasyon.

Photo courtesy of PSU Brooke's Point Facebook page.

BROOKE’S POINT, Palawan — Sinimulan na noong May 4 ng Palawan State University (PSU)-Brooke’s Point ang online classes nito sa lahat ng kurso sa kolehiyo.

Ayon kay Brooke’s Point mayor Mary Jean Felicinao, bagama’t nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ang kanilang bayan, sinisikap ng kanilang inter-agency task force (IATF) na maibigay pa rin ang mga kinakailangan na serbisyo ng mamamayan, maging ang kanilang edukasyon.

Sabi niya, ipinaalam sa kanila sa isang meeting ni PSU-Brooke’s Point directress Marilyn Baaco na gagawing online ang pag-aaral ng mga estudyante upang patuloy na matuto kahit na umiiwas sa mass gathering para hindi magka-coronavirus disease o COVID-19.

“Tuloy-tuloy ang pag-aaral ng mga estudyante sa kolehiyo at gagawin na lang online ayon kay Ms. Baaco para maiwasan ang mass gathering,” pahayag ni Feliciano sa Palawan News.

Sabi naman ni Baaco, lahat ng kanilang hakbang ay nakabatay sa panuntunan na inilalabas ng lokal na pamahalaan maging ng Commission on Higher Education o CHED, provincial, at national governments, ganoon din ng mga meroranda at guidelines na ibinigay ng pamunuan ng PSU.

Aniya, dapat itong sundin ng mga instructors ng unibersidad sa Brooke’s Point.

“Lahat ng ginagawa ng PSU sa Brooke’s Point ay nakabatay sa mga guidelines na ipinalabas. Kaya no choice ang mga instructors, online platforms talaga ang gagamitin na naaayon sa kalagayan ng mga estudyante. Lahat ng means ay gagawin ng mga instructors at estudyante kung papaano sila magme-meet at a common point,” sabi ni Baaco.

Sinabi rin niya na dapat matutong mag-adjust ang mga estudyante at dapat magkaroon ng inisyatibo para makapagtapos.

“Matuto sana silang mag-adjust sa iba’t-ibang sitwasyon, magkaroon ng sariling initiative para matuto at makapagtapos, kasi mawala man ang coronavirus, hindi na babalik sa dating 100% spoon feeding at face-to-face classroom setting. Magkakaroon ng evolution sa edukasyon at magkakaroon ng tinatawag na new normal,” sabi niya.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry