Inanunsyo ni Mary Jude Gabat ng Municipal Tourism Office ng Odiongan na handang-handa na ang bayan sa pag-host ng Southern Tagalog Regional Association of State Universities and Colleges (Strasuc) Olympics 2019 sa darating na ika-22 hanggang 28 ng Nobyembre. (Photo courtesy of Joanne Amar)

ODIONGAN, Romblon — Handang-handa na ang bayan ng Odiongan, Romblon sa pag-host ng Southern Tagalog Regional Association of State Universities and Colleges (Strasuc) Olympics 2019 sa darating na ika-22 hanggang 28 ng Nobyembre.

“Everything is at place regarding our preparation for the Strasuc Olympics 2019 na gaganapin dito sa bayan ng Odiongan, at sa mga kasunod na aktibidad na gaganapin pa sa bayan ngayong Nobyembre at Disyembre,” yan ang pahayag ni Mrs. Jude Gabat nang maging bisita sa ginanap na Kapihan sa PIA-Romblon nitong unang Linggo ng Nobyembre.

Sinabi ni Gabat na inaasahang may aabot sa 3,500 na mga manlalaro at mga bisita mula sa mga rehiyon ng Mimaropa at Calabarzon ang dadayo sa bayan para sa nasabing aktibidad.

“Inihanda na natin security protocols para sa mga bisita, at nakipagpulong na rin tayo sa mga hotel owners, food vendors, at tricycle driver associations para masigurong handa ang lahat ng sektor sa pagdating nila lalo na iyong mataas ang partisipasyon sa activity,” dagdag ni Gabat.

Naglatag na rin umano ng mahigit 20 na closed-circuit television (CCTV) camera ang pamunuan ng Romblon State University sa loob at labas ng kanilang campus upang mabantayan ang galaw ng mga papasok na tao rito upang sumaksi sa nasabing palaro.

Ngunit kahit umano handa na ang bayan, nanawagan parin si Gabat sa publiko na panatilihin ang kalinisan sa buong bayan.

“Almost, let’s say, 95% na tayong handa. Ang hiling nalang namin sa publiko siyempre sana ay mapanatili ‘yung kalinisan sa buong bayan lalo na at madami tayong bisita. Ipapakita natin sa ating mga bisita na dito sa atin ay ‘Vibrant Odiongan: Your heart, Your Home, Your Future,” ayon kay Gabat. (PJF/PIA-Mimaropa/Romblon)

Previous articleProvince mulls ban on smoking, throwing cigarette butts in public beaches
Next articleTelecoms services in remote Palawan barangays sought