No Images found.

Number 3 most wanted ng Puerto Princesa nadakip ng pulisya

Nadakip ng Puerto Princesa City Police Station 2 (PS-2) ang top number 3 most wanted person sa city level sa kanyang bahay sa Sitio Iratag, Barangay Irawan, 6:10 ngayong umaga.

Ang suspek na kinilalang si Julito Dagsalan ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ni Judge Leopoldo Mario P. Legazpi ng Regional Trial Court Branch 49 sa lungsod para sa kasong murder with the use of illegally possessed firearm.

Ayon kay P/Maj. Alevic Rentino, hepe ng PS-2, makailang beses na rin nilang sinubukang dakpin ang suspek ngunit palagi itong nakakatakas hanggang sa kanina nga ay nahuli na ito.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry