Tabon Cave | Photo by George Tapan [https://bit.ly/3COhFlL]

Pinayagan nang makakuha ng entry permits ang mga non-residents o hindi residente sa munisipyo ng Quezon upang makapasyal at makabisita sa Tabon Cave Complex na epektibo simula noong araw ng Biyernes, August 13.

Ito ay matapos na mapagkasunduan ng Municipal Inter-Agency Task Force (MIATF) ng Quezon na aprubahan ang panukala dito sa isinagawa nilang pagpupulong noong unang linggo ng buwan ng Agosto.

Ayon kay Noli Laurio, ang siyang municipal information officer, bagama’t binago na ang regulasyon para dito ay “strictly implemented” pa rin ang mga panuntunan na dapat sundin sa ilalim ng health standard at safety protocol sa banta ng COVID-19.

Aniya, ipatutupad ng National Museum-Tabon Management katuwang ang Municipal Tourism Office (MTO) bawat araw ang 50 percent guest capacity o dalawa hanggang tatlong grupo lamang na mayroong taglilima o hanggang 10 na puwedeng makapasok sa pamosong kuweba ng Tabon sa magkakaibang oras.

- Advertisement -

“May cut-off na ipinatupad, at bawat agwat ng oras kung nakababa na ang unang grupo, ay isusunod ang ikalawa. Bahagi po ito ng pagsunod ng guest capacity natin,” sabi ni Laurio noong Sabado, August 14.

“Kapag naabutan na ng cut-off, hindi na sila puwedeng mabigyan ng entry permit ng ating management, new schedule na naman sila,” dagdag niya.

Ayon pa kay Laurio, hindi madali para sa pamahalaang lokal na buksan na ang Tabon sa publiko at sa ibang karatig bayan ngunit masusi nilang babantayan at mahigpit na ipatutupad ang nasabing capacity requirement para sa mga bisita.

Aniya, tuwing araw lamang ng Martes hanggang linggo bukas ang Tabon Cave Complex dahil ang araw ng Lunes ay inilaan para sa site and ground maintenance.

Previous articleEDITORIAL: The PALECO privatization agenda before the House
Next articleProVet appeals for public help vs entry of Asian swine fever in Palawan
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.