Quezon Medicare Hospital. (Photo by PIO Palawan)


Patuloy na ipinatutupad ang libreng gamutan sa lahat ng mga ospital na nasa ilalim nang pangangasiwa ng pamahalaang lalawigan, ganoon din ang pagpapairal ng “no balance billing policy” para sa mga Palawenyo na walang sapat na kakayanan para sa kanilang mga gastusin.

Ayon kay Engr. Saylito Purisima, focal person ng hospital operations sa lalawigan, walang dapat anumang fees or expenses ang icha-charge o pababayaran sa indigent patient.

“Kapag indigent ka libre ang pagpapagamot mo sa mga ospital natin dito sa Palawan,” pahayag ni Engr. Purisima sa pamamagitan ng Provincial Information Office (PIO).

Sa pahayag ng PIO, sinasabi nito na mayroont P10 milyong pondo kada taon na inilaan ang Department of Health (DOH)

Samantala, mayroon namang P10 milyong pondo kada taon ang inilalaan ng Department of Health (DOH) para sa lahat ng ospital na pinangangasiwaan ng Kapitolyo upang siguruhing walang babayaran ang mga ito.

- Advertisement -

Ito ay  sa pamamagitan ng Medical Assistance for Indigent Program (MAIP) gayundin ang medical assistance mula sa Philhealth. 

Dagdag pa rito ay mayroon ding libreng gamot na ipinagkakaloob ang pamahalaang panlalawigan, depende sa pangangailangan ng pasyente.

“Mayroon tayong MAIP o Medical Assistance for Indigent Program from DOH fund yan, P10 million yan per year  sa  lahat ng hospitals natin sa Provincial Government, hindi pa kasama diyan ‘yong sa Philhealth. So lahat ng indigent talaga, maa-accommodate natin, plus meron din tayong financial assistance sa PSWDO, lahat ‘yan libre,” ani Engr. Purisima.

Ipinaliwanag din niya na bagamat pampublikong ospital ang mga nasa munisipyo ay may karapatan pa ring pumili ang isang pasyente ng kanyang kagustuhan sa sistema ng medikasyon o ang tinatawag na “pay-patient.” 

Ibig sabihin, kung may kakayahan ang isang pasyente na magbayad tulad ng private room,  laboratoryo at iba pa depende sa kahilingan ng pamilya at ng pasyente,  ito ay masusing  ipinapaliwanag ng mga social health officers na nakatalaga sa mga ospital.

“Kapag hindi ka indigent at capable naman, diyan tayo may babayaran. We cannot survive without generating revenue.  That revenue that will be raised by the Provincial Government  can be used for medicine and to sustain the services of the majority from the poorest of the poor that is being served by the Provincial Government,” paglilinaw ni Engr.Purisima.

Previous articleAvoid loan sharks, apply for Pension Loan Program with low-interest rate – SSS
Next articleProv’l Board authorizes Gov. JCA to sign agreement with POPCOM vs adolescent pregnancy
handles the online presence of Palawan News as its social media manager. When she has free time, she travels and writes about her adventures.