Inaresto ng awtoridad sa bayan ng Taytay kahapon ang magsasaka na si Richard Lim Vicente, alyas Kabong, dahil sa kasong panggagahasa sa bisa ng warrant na ibinaba ng korte.

Naaresto siya sa Barangay Calawag sa bayan ng Taytay sa ikinasa na joint operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Palawan, PFU, PIU-Palawan PPO, HPT Palawan, RIU4B, PNP-IG, RPDEU/RSCG, Taytay MPS at 2nd PMFC sa bisa ng warrant na ibinaba ni Judge Emmanuel Artazo ng Branch 14 ng Regional Trial Court (RTC) sa Taytay.

Ang warrant of arrest ay may petsa na August 16, 2021, dahil sa paglabag niya sa Rape and Anti-Child Abuse Law (10(a) of RA 7610, ayon sa report na ibinahagi ng Palawan Police Provincial Office (PPO).

Si Vicente ay nasa kustodiya ngayon ng CIDG Palawan para sa karampatang disposisyon.

- Advertisement -

Previous articlePrenatal care provided to captured 14-year-old pregnant rebel trainee on regular basis
Next articleKiwanian One Day celebrated in Palawan
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.