Sep 29, 2020

No. 7 wanted person sa Roxas, naaresto sa Sofronio Española

Kinilala ni P/Capt. Ric Ramos, tagapagsalita ng Provincial Police Office (PPO), ang naarestong lalaki na si Romnick Mationg Cayao, 27, residente ng Barangay Dumarao bayan ng Roxas.

Naaresto ng mga awtoridad ang No. 7 wanted person ng Roxas sa Sitio Iraan, Barangay Labog sa bayan ng Sofronio Española, Huwebes ng umaga.

Kinilala ni P/Capt. Ric Ramos, tagapagsalita ng Provincial Police Office (PPO), ang naarestong lalaki na si Romnick Mationg Cayao, 27, residente ng Barangay Dumarao bayan ng Roxas.

Ayon sa mga awtoridad matagal nang pinaghahanap si Cayao dahil sa kasong attempted murder at nito ngang Huwebes (June 4) ay nadakip ito ng Sofronio Española Municipal Police Station (MPS) sa pangunguna ni P/Maj. Randell Sabtula, ilang kawani ng Roxas MPS, PALPIU South Tracker Team at Intelligence Operatives ng 1st Palawan Provincial Mobile Force Company.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na iginawad ni Judge Paul Jagmis Jr, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 95, Roxas noong Desiyembre 17 ng nakaraang taon.

Nasa kustodiya ng Sofronio Española (MPS) ang naarestong suspek at nakatakdang iharap sa korte.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry