(Photo courtesy of PS2)

Inaresto ng awtoridad si John Lebuna Suelo, 44 taong gulang, na inaakusahang nanambang at pumatay kay Ariel Laxamana noong nakalipas na taon sa Barangay Princess Urduja sa bayan ng Narra.

Itinuturing na No. 7 most wanted person ng Palawan, si Suelo ay naaresto 2:30 ng hapon ngayong araw, Marso 14, sa Zone 1, Barangay Irawan, dito sa Puerto Princesa. Siya ay unang naging residente ng Purok Tagumpay, Brgy. Panacan 1, Narra.

Ayon sa report ng Narra Municipal Police Station (MPS), si Suelo ay unang sinampahan ng kasong frustrated murder noong Agosto 5, 2021, matapos na tambangan nito si Laxamana na noon ay sakay ng isang top down tricycle sa Brgy. Princess Urduja dahil sa umano ay away sa lupa.

Nakapagpiyansa si Suelo para pansamantalang makalaya dahil sa kasong frustrated murder, ayon pa sa Narra MPS, ngunit makalipas ang ilang araw ay nasawi sa isang pribadong ospital sa lungsod. Dahil dito, iniakyat sa murder ang kaso laban sa kanya kaya ito ay nagtago.

Inaresto si Suelo sa joint operation ng PDEU/RSCG na pinangunahan ni P/Lt. Rodolfo Marzo, assistant team leader sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Eliot Eusebio ng Puerto Princesa City Police Station 2 (PS-2), Provincial Intelligence Unit, PIDMB PALPO, at POP TF Palawan.

Ang warrant of arrest ay inisyu ni Judge Leah E. De Los Reyes-Baguyo, presiding judge ng Branch 48 ng Fourth Judicial Region ng Regional Trial Court (RTC) na may petsang November 9, 2021, dahil sa kasong murder with the use of illegally possessed gun o loose firearm.

Wala nakalaang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek. Siya ngayon ay nasa kustodiya ng PS-2.

About Post Author

Previous articleMga katutubong gumagawa ng sawali sa Sofronio EspaƱola, patuloy ang kabuhayan sa kabila ng pandemya
Next articlePSU still waiting for city IATF guidelines for full face-to-face classes
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.