Inaresto kahapon ng awtoridad ang isang lalaki sa Barangay Irawan, dito sa lungsod ng Puerto Princesa, dahil sa dalawang kaso ng statutory rape na ang biktima ay kanyang menor de edad na kaanak.

Ang suspek ay kinilala sa ulat mula sa Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) na si Jonathan Dao Alforte, alyas Jing. Inaresto siya sa kanyang bahay sa Purok Masagana sa Irawan, bandang 2:51 ng hapon, Abril 10.

Ang pag-aresto sa kanya ay sa bisa ng warrant na ibinaba ni Judge Jose Bayani J. Usman ng RTC Branch 50, Family Court, na may petsang Enero 22, 2022. Wala inirekomendang piyansa para sa pansamantalang niyang kalayaan.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya siya ng Police Station 2 (PS 2) para sa karampatang disposisyon.

- Advertisement -

Previous articleRain to continue to pour over Palawan due to LPA; Agaton slightly weakens as Malakas prepares to enter PAR
Next articleVariable monitor lizard found near poultry, blue-naped parrot with damaged wings rescued
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.