Dec 5, 2020

No. 2 most wanted sa Puerto Princesa dahil sa kasong rape, inaresto sa bayan ng Rizal

Kinilala ang suspek ni P/Maj. Edgar Salazar, hepe ng City Police Station (CPS) 2, bilang si Jonary Bartolome na residente din ng Simpocan.

Isang 19 anyos na lalaki na pangalawa sa most wanted sa Puerto Princesa ang inaresto ng mga awtoridad sa Sito Balite, Barangay Punta Baja, Rizal noong gabi ng Miyerkules dahil sa kasong panggagahasa ng menor de edad na taga-Barangay Simpocan.

Kinilala ang suspek ni P/Maj. Edgar Salazar, hepe ng City Police Station (CPS) 2, bilang si Jonary Bartolome na residente din ng Simpocan.

Aniya, inaresto si Bartolome dahil sa reklamong panggagahasa ng menor de edad na nag-umpisa noong 2015 hanggang noong January 18, 2020. Pang-siyam ito sa mga suspek na gumahasa umano sa menor de edad na biktima.

“Three counts of rape [ang kaso nito]. Sa salaysay ng victim, nag-start ang rape [noong] 2015 hanggang sa nagtuloy-tuloy ito ng January 18, 2020. Actually, hindi lang isa ang suspek, magkakamag-anak ang mga ito. Mayroon tayong siyam na suspek na na-filan natin [ng kaso]. Yon lang ang na-identify ng victim,” sabi ni Salazar sa panayam ng Palawan News.

Ayon pa kay Salazar, nadakip si Bartolome sa tulong ng kanilang asset na humikayat dito para bumaba ng bundok sa Rizal. Wala itong kamalay-malay na nasa baba na ang mga pulis para siya arestuhin.

Nag-sumbong ang biktima sa mga pulis nang ginawa sa kanyang panggagahasa noong February 2020. Sabi ni Salazar, walong taong gulang pa lamang ito ay nagahasa na ng siyam na kalalakihan na mga kamag-anak at kung ituturing ay “gang rape” na ito.

“Nakalagay sa salaysay ng biktima na nangyari ang rape sa kanya bandang alas dose noong 2015. Walang month na nakalagay dito, pero ang susunod niyang natandaan ay January na bandang alas otso ng umaga. Considered na gang rape yan,” sabi niya.

Sa kanilang imbestigasyon ay nalaman din na unang inimbitahan ang menor de edad sa bahay ng isa pang suspek na si Alvin Alvior Camo. Pagdating ng biktima sa bahay nito, dinala ito sa isang kuwarto, hinubaran, at pinukpok pa ng bote ng alak na ikinawala ng malay nito.

Ang susunod na natandaan ng biktimang insidente ay noong January na kung saan isa sa siyam na suspek ang kumumbinsi sa kanya na samahan siyang kumuha ng tubig sa dagat na gagamitin sa kopra. Pagdating sa baybay ay niyaya siya sa masukal na lugar kung saan naganap nanaman diumano ang panggagahasa.

Maliban kay Bartolome ay dalawang suspek na ang naaresto na kinilalang sina Jemer Camo at Jimmy Camo noong October 29, 2020.

Nasundan ito ng pag-aresto din sa apat pang kaanak, kabilang ang 67 anyos na lolo ng biktima na si Antonio Alvior. Ang ilan pa ay sina Allan Alvior, Jerry Alvior, at Alvin Alvior.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry