Arestado ang isang 30 taong gulang na lalaki dahil sa tatlong kaso ng statutory rape at acts of lasciviousness sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Purok Freedom, Barangay Irawan, noong Sabado, January 21.

Ayon sa police report mula sa Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), si Jonathan Majalan na isang laborer at residente ng Brgy. San Pedro ay inaresto ng mga tauhan ng Police Station 2 (PS 2) bandang alas otso ng umaga ng nasabing araw dahil sa pambibiktima sa isang Grade 9 student.

Naganap umano ang panghahalay at pangmomolestiya noong mga buwan ng Hulyo, Agosto, at Setyembre 2022

Samantala, ayon pa sa mapagkakatiwalaang source ng Palawan News, ang 14 taong gulang na babaeng biktima ni Majalan ay kasamahan diumano nito sa simbahan at naging kasintahan rin.

Itinatanggi umano ni Majalan na may pilitang naganap sa pagitan nila ng biktima.

Ayon pa sa police report, ang pag-aresto sa suspek ay sa bisa ng warrant na inilabas ng Family Court, Branch 50, 4th Judicial Region ng Puerto Princesa.

Pinuri naman ni PPCPO director P/Col. Roberto Bucad ang operating unit na umaresto kay Majalan dahil sa dedikasyon ng mga ito sa implementasyon ng kampanya upang arestuhin ang mga wanted.

Simula Enero, ayon sa kanya, walo ng wanted persons at tatlong most wanted ang naaresto ng city police.

About Post Author

Previous articleIbba promises a more progressive and developed Bataraza in the coming years
Next articleCSC Region 4 recognizes PPCWD on human resource management
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.