Larawan mula kay Melissa Anapada.
- Advertisement by Google -

Isang babaeng nagmamaneho ng motor ang nag crash at nasugatan matapos itong umiwas sa isang lalaking nagtangkang agawin ang kanyang bag.

Nangyari ang insidente gabi ng Linggo, July 3, sa national highway sa pagitan ng mga barangay ng Princess Urduja at Malinao sa Narra.

Ang aksidente ay naganap sa biktima na si Jean Aquias sa madilim na bahagi ng highway, ayon sa social media post ng kanyang pamangkin na si Melissa Anapada.

Ayon sa kuwento ni Anapada, pauwi na ang auntie niya na si Aquias sa bahay nito sa Purok Masipag, Brgy. Antipuluan, Narra, matapos mag deliver ng panindang skinless longganisa sa Brgy. Abo-Abo, Sofronio Española.

- Advertisement -

Habang binabaybay nito ang kalsada ay may sumabay na hindi nakikilalang suspek na nakamotor rin at hinablot ang kanyang bag.

“Galing sa Abo-Abo yong auntie ko, nagde-deliver po kasi yon ng skinless [longganisa]. Pauwi na po sya dito sa bayan, paglampas niya sa Urduja, papunta na po Malinao, may madilim na area po at doon siya tinabihan ng naka-motor ng Euro na walang ilaw,” kuwento ni Anapada.

“May sakay isang lalaki lang at inaagaw yong bag niya. Sa takot niya na maagaw [ang bag] pinaharurot niya po yong motor niya kaya siya sumemplang. Buti may kasunod po siyang jeep, yon ang nag-rescue sa kanya at yong nag-iisang bahay doon,” dagdag niya.

Masuwerte na hindi nakuha ang bag ni Aquias ng holdupper na ang hinala nila ay nag-aabang sa kanya dahil alam ang kilos ng kanyang auntie na madalas pumunta sa Brgy. Abo-Abo para mag-deliver ng paninda.

Naireport na ng biktima ang pangyayari sa mga personnel ng Narra Municipal Police Station (MPS).

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous article800-m zipline next up at Balayong People’s Park
Next articleSitel Group wraps up 1st Baragatan celebration with job prospects in BPO industry
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.