May ilang tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan at nakahandusay na sa lupa nang matagpuan sa Brgy. Alfonso XIII sa bayan ng Quezon ang isang 43 anyos na negosyante noong madaling araw ng bagong taon.

Ang biktima ay kinilala sa police report ng Palawan Provincial Police Office (PPO) na si Lou Cardiño, habang ang suspek o mga suspek ay wala pang pagkakakilanlan.

Sa ulat ng PPO, sinasabing isinugod pa si Cardiño sa Quezon Medicare Hospital, ngunit idineklara na itong dead on arrival ng attending physician.

Tatlong basyo ng bala ang natagpuan sa crime scene, ayon sa PPO.

Nagkasa na nang imbestigasyon at manhunt operation ang Quezon municipal police para alamin ang dahilan ng pamamaril, at kilalanin at arestuhin kung sino ang may gawa ng krimen.

About Post Author

Previous articleMagsasaka na nakikipag-ayos sa nakaalitan, patay sa pananaksak
Next articleOperations are back to normal at Puerto Princesa Int’l Airport
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.