Jul 8, 2020

Negosyante inaresto sa Narra dahil sa droga

Ayon kay P/Maj. Romerico Remo, hepe ng Narra Municipal Police Station (MPS), nahuli si Abelarde matapos mabilhan ng isang sachet nang hinihinalang shabu sa halagang P500.

NARRA, Palawan — Isang negosyante sa Barangay Antipuluan ang inaresto ng mga pulis Biyernes ng hapon sa isang buy-bust operation.

Kinilala ang suspek na si Alfredo Moncatar Abelarde, 39, residente ng nasabing lugar.

Ayon kay P/Maj. Romerico Remo, hepe ng Narra Municipal Police Station (MPS), nahuli si Abelarde matapos mabilhan ng isang sachet nang hinihinalang shabu sa halagang P500.

Kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek.

Ikinasa ng pinagsamang pwersa ng Narra MPS at Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ang nasabing operasyon.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry