Oct 1, 2020

Negosyante inaresto sa Balabac dahil sa pagtutulak ng shabu

Kinilala ni P/Capt. Ric Ramos, tagapagsalita ng Provincial Police Office ang nahuling suspek na si Madsaid “Hji Puti” Elahan Tontong, 38, residente ng Sitio Marabon, Barangay Bancalaan ng nasabing bayan.

Isang negosyante ang naaresto dahil sa pagtutulak ng ipinagbabawal na droga sa Sitio Kamilit, Barangay Pandanan, Balabac, Biyernes ng hapon.

Kinilala ni P/Capt. Ric Ramos, tagapagsalita ng Provincial Police Office ang nahuling suspek na si Madsaid “Hji Puti” Elahan Tontong, 38, residente ng Sitio Marabon, Barangay Bancalaan ng nasabing bayan.

Ayon kay Ramos, nahuli ang suspek matapos mabaril sa kanang hita ni P/Cpl Jarib Hamid dahil sinubukan nitong tagain ang isang pulis na katransaksyon ng matunugan nito na ito buybust at mga pulis ang katransaksiyon niya.

Bukod sa isang sachet na nabili mula kay Tontong, limang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, shabu paraphernalia, bolo na may habang 19 inches at ilang kagamitan.

Ang buy-bust operation ay isinagawa ng Balabac Municipal Police Station (MPS) sa pangunguna ni P/Maj. Victor Sumondong.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry