Isang negosyante ang inaresto ng mga awtoridad sa Barangay Maligaya, El Nido matapos itong mahulihan ng baril na walang kaukulang dokumento.

Kinilala ng mga awtoridad ang negosyante na si Arman Gabayan Villaraza, 29, residente ng nasabing lugar.

Ayon kay P/Capt. Ric Ramos, tagapagsalita ng Provincial Police Office nagiinuman sina Villaraza at ang kasama nitong si Hercules Delos Reyes noong Linggo nang ilabas ni Villaraza ang isang .45 pistol at kinargahan ito ng bala.

Sa pangambang maiputok ni Villaraza ang baril, inawat ito ni Delos Reyes at dinisarmahan.

Dinala ni Delos Reyes ang baril sa isang checkpoint upang i-report ang pangyayari. Walang kaukulang dokumentong naipakita si Villaraza kaya’t ito ay naaresto at sa kasalukuyan ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act).

 

About Post Author

Previous articleCoral Bay continues its SDMP support to communities
Next articlePalawan classified as “low risk” for COVID-19, no longer under GCQ starting May 16
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.