Ang mga nawawalang mga taga probinsya ng Antique na hinahanap pa rin ng mga kamag-anak nila hanggang ngahon. (Larawan galing kay Alyza mae T. Escultor)
- Advertisement by Google -

Patuloy ang isinasagawang paghahanap sa apat na nawawalang residente na sakay ng bangka mula sa Caluya sa probinsya ng Antique noong November 23 matapos maglayag pabalik sana sa Panggatan Island ngunit hindi nakarating.

Patuloy na hinahanap sina Jularte Malaluan, ang mother-in-law nito na si Ludith Ligetimas, Maica Tuinga Escultor, at Kulatoy Spenzer Valdez, matapos makita noong Nobyembre 29 ang kanilang bangka sa Debangan sa bayan ng Taytay sa Palawan.

Bagama’t natagpuan ang bangka, wala ang apat na pinaghahanap, ayon sa kaanak ng isa sa kanila na si Alyza Mae T. Escultor.

“Nobyembre 29 nakita yung bangka sa Debangan [sa] Taytay, Palawan, sigurado kami na yun ang bangka dahil yung ginawa nilang flag ay damit ng ate ko at andoon pa ang mga damit niya groceries — cup noodles at chicheria, dalawang container at yung mga makina na karga nila. Yung makina tatlo sana yun, dalawa na lang ang nandoon,” sabi ni Escultor

- Advertisement -

“Hinihiling lang namin sa mga nakakita o kumukupkop sa apat na sakay ng bangkang ito na ipagbigay alam sa amin o sa awtoridad, paki-coordinate na lamang sa amin para makabalik sila at makauwi sa kani-kanilang pamilya. Nag-aalala at naghihintay kaming mga pamilya,” sabi pa niya.

READ RELATED NEWS: Family seeks help in search for missing relatives, friends

Aniya, hindi sila nawawalan ng pag-asa na buhay pa ang apat dahil na rin sa ginawa ng ate na si Maica na gawing flag ang damit nito.

Hindi naman umano aalis ng kanilang bangka ang apat kung walang malilipatan na sasakyang pandagat ang mga ito.

“Malaki ang expectations naming buhay sila dahil hindi naman tumaob ang bangka nila, tapos nagbigay pa ng pattern na yung damit ni ate ginawa nilang flag, means humihingi sila ng tulong. So, umaasa kami na may nakakita sa kanila bago pa natagpuan ang bangka noong Nobyembre 29, kasi hindi naman sila aalis ng bangka kung wala silang lilipatan. Nakalutang po ang bangka nun, kung tumaob yun dapat washout [ang] mga karga nun,” dagdag pa niya

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleKa Leody welcomes ban on political ads on Google
Next articleMga residente ng Brgy. New Canipo sa San Vicente, muling binaha dahil sa malakas na pag-ulan
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.