Isang personnel ng CGS El Nido ang kinakapanayam si Eric Nolasco, 40, na nakaligtas matapos tumaob ang bangkang sinasakyan kahapon, Pebrero 10, 2022, sa Brgy. Pancol, Taytay. (Larawan mula sa CGS El Nido)

Isang mangingisda na nawala sa karagatan na sakop ng Barangay Pancol, Taytay matapos tumaob ang sinasakyang bangka, alas tres ng hapon noong Huwebes ang hinahanap ng mga personnel ng Coast Guard Station (CGS) El Nido, habang ang kasamahan niya ay nasa maayos nang kalagayan matapos makaligtas sa trahedya.

Ang nawawala simula pa noong alas tres ng Pebrero 1o ay kinilalang si Johny Amos, 40, na diumano ay personnel ng DENR Taytay, samantalang ang nakaligtas naman ay si Eric Nolasco, 40.

Ayon sa station commander ng CGS El Nido na si Ens. Joeweskie Sarza, papunta diumano ng isla ng Sigpit sa boundary ng Brgy. Pancol, Taytay, at Brgy. Alimanguan sa San Vicente si Amos at Nolasco, ngunit tumaob ang kanilang bangka na sinasakyan matapos hampasin ito nang malalakas na alon.

Si Nolasco na nakalangoy sa pampang ng Pancol ay natulungan nila kaninang 8:45 ng umaga, Pebrero 11, at dinala sa pagamutan dahil sa nanghihina na. Pinauwi na rin ito matapos umayos ang pakiramdam.

- Advertisement -

“Dinala na agad siya sa pagamutan, dahil hinang-hina na siya ng ma-rescue,” pahayag si Sarza. “Si Amos, sa initial investigation, hindi siya marunong masyadong lumangoy. Umiikot na ang mga awtoridad natin sa area para magsagawa ng search and rescue operation, baka napadpad lang siya sa mga malapit na mga isla”.

Aniya pa, nakikipag-coordinate na sila sa pulisya, Philippine Navy, MDRRMO, at iba pang ahensya para makapag-deploy ng water assets na tutulong sa search and rescue ni Amos.

Previous articleLaw enforcement authorities, COMELEC, church leaders lead launching of SAFE nat’l and local elections 2022
Next articleDTI opens 10 mentorship program slots for entrepreneurs in Palawan
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.