(Photos courtesy of Culion Mayor's Office)

Ā 

Sa pamamagitan ng Solar Light Project ng pamahalaang lokal ng bayan ng Culion ay napailawan ang mga gilid ng national road na sakop ng mga barangay ng Jardin, Baldat, at Malaking Patag.

Ngayong unang linggo lamang ng Hulyo natapos ang installation ng proyektong solar street lights sa ilalim ni Mayor Ma.Virginia De Vera na sinimulan noong ikatlong linggo ng Hunyo.

Bagama’t mayroon ng linya ng kuryente ang national road na sakop ng tatlong barangay na nabanggit, limitado lamang ang ilaw na nakalagay sa mga poste nito. Dahil dito, ninais ni Mayor De Vera na maglaan ng pondo para maisakatuparan ng Culion ang paglalagay ng solar street lights sa mga madidilim na daan.

“Layunin nito ay para maliwanag ang mga national roads natin dito, maiwasan ang aksidente, at syempre minsan nangyayari ang kriminalidad sa dilim. Kaya ngayong unang linggo ng July ay natapos na ang installation ng solar street lights project ng ating LGU,” ayon kay Max Raymundo, ang municipal administrator ng Culion.

Ang proyektong pagpapailaw sa tatlong barangay ay nagkakahalaga ng humigit kumulang P3 million na nagmula sa Development Fund 2020 ng Culion.

Nauna nang nalagyan ng mga solar lights ang mga pamayanan na nasa remote islands at buong Poblacion, Culion noong mga nakalipas na taon.

camella-palawan-news

About Post Author

Previous articleMunisipyo ng Balabac, mayroon ng 8 LSI at OFW returnees
Next articleEDITORIAL: Palawan’s COVID-19 response, in perspective
is the news correspondent for Sofronio EspaƱola and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.