Ipinapaalam ni OCD RDRRMC-Mimaropa Asst. Reg'l Dir. Nieves L. Bonifacio sa mga negosyante sa lungsod ng Calapan ang mangyayari sa '4th Quarter National Simultaneous Earthquake and Tsunami Drill' na gaganapin sa Nob. 14. (Larawan ni Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro — Kasabay sa paggunita ng ika-25 taon ng 7.1 magnitude na lindol sa lungsod ng Calapan noong Nobyembre 15, 1994, isang forum para sa gaganaping ‘4th Quarter National Simultaneous Earthquake and Tsunami Drill’ na gaganapin sa lungsod ng Calapan sa Nobyembre 14.

Ang forum ay pangungunahan ng Office of the Civil Defense – Regional Disaster Risk Reduction Management Council (RDRRMC) at City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO).

Nagsagawa ang OCD RDRRMC-Mimaropa at CDRRMO katuwang ang Philvolcs-DOST ng forum sa mga nasa sektor ng kalakalan upang ipaalam ang isasagawang drill sa susunod na buwan. Ginanap ang forum sa NuCiti Cental Calapan noong Oktubre 10.

Ipinapaalam ni OCD Asst. Regional Director-Mimaropa, Nieves L. Bonifacio kung ano ang magaganap sa nasabing petsa. Kanya din inilahad ang ilang mga lugar sa lungsod na pagtatayuan ng central command center at mga command post, mga evacuation centers at ruta na pupuntahan ng mga evacuees patungo sa mga evacuation center.

Maliban dito, ibinigay din niya ang mga magaganap na aktibidad simula Oktubre 7 hanggang Nobyembre 15 na kinabibilangan ng mga pagsasanay at sa araw ng aktuwal na drill. Hindi lamang sa bayan isasagawa ang mga ito kundi kasama pati ang bawat barangay sa lungsod.

Samantala, nagbigay din ng mensahe si Philvolcs-DOST Geologist Charmaine Villamil tungkol sa pag galaw ng lupa at kung paano nagmumula ang isang tsunami habang si CDRRMO Dennis Escosora naman ay ibinahagi ang mga ehersisyo na gagawin ng mga participantes.

Ang nasabing simultaneous earthquake drill ay mapapanood sa buong bansa ng live via satellite hatid ng RTVM. (DN/PIA-OrMin)

Previous articleBasket, sagot sa pagbabawal ng plastik sa Brooke’s Point
Next articleFulbright Philippines kicks off foreign scholarship roadshow in Palawan