Ang programa na tumalakay sa mga karapatan ng PWDs sa bayan ng Rizal (Photo courtesy of Ed Boboy Monte)

Ipinagdiwang ng bayan ng Rizal ang 43rd National Disability Rehabilitation and Prevention Week, sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), kung saan kinilala ng lokal na pamahalaan ang mga karapatan ng persons with disability (PWD), nitong araw ng Martes, Agosto 31.

Ang pagdiriwang na may temang “Kalusugan at Kaunlaran ng Pilipinong May Kapansanan, Isulong sa Gitna ng Pandemya” ay isinagawa sa pamamagitan ng programa na dinaluhan nina Mayor Otol Odi, Vice Mayor Norman Ong at iba pang opisyal ng bayan.

Sa nasabing programa, patikular na binigyang pansin ang mga karapatan ng PWDs para sa kanilang pangangailangang pangkalusugan at mga benepisyaryo na dapat nilang matanggap mula sa pamahalaan.

Sa mensahe ni Vice Mayor Ong, sinabi niya na patuloy na bibigyang pansin ng pamahalaang lokal ang mga programang makakatulong sa mga may kapansanan.

- Advertisement -

“Hindi dapat ikahiya o itago ang mga kapansanang ito bagkus ay paunlarin ang iba pang mga abilidad at talento upang maging produktibo at lalong magpapalakas ng tiwala sa kanilang sarili,” pahayag ni Ong.

Ayon kay Edgar Monte, tagapagsalita ni Ong, dati nang may nakalaang pondo ang pamahalaang lokal na kinukuha mula sa 1 per cent ng Internal Revenue Allotment (IRA) ng bayan.
 
“Kaya naman patuloy na nagpupursige ang Sanguniang Bayan ng Rizal na masigurong pondo taon-taon ay may nakalaan para sa mga programa ng PWDs,” pahayag ni Monte.
 
Magugunitang taong 2018, kinilala ang bayan ng Rizal bilang “Most PWD Friendly Municipality” sa rehiyon Ng MIMAROPA dahil sa iba’t ibang programa na binibigay ng pamahalaang lokal sa mga mamamayan nito na may kapansanan.
 
Ang National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week ay taonang ipinagdiwang sa buong bansa tuwing July 17-23, base sa Proclamation No. 1870 na inamyendahan ng Proclamation No. 361 at ng Adminstrative Order No. 35.
 
Hindi naisagawa ang pagdiriwang sa bayan ng Rizal noong nagdaang buwan ng Hulyo dahil sa ipinairal na health restrictions at protocols dulot pandemyang COVID-19.

Previous articleElderly woman killed in road accident in Roxas
Next articleLocal sellers appeal to amend law against ‘ukay’
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.