Si Nanay Mingga sa harap ng kanyang lumang bahay

Binigyan ng tulong ng Magsaysay Municipal Police Station (MPS) ang 70 anyos na si Dominga Rodriguez, o nanay Minga, na namumuhay na mag-isa sa kanyang barong-barong sa Barangay Rizal.

Ayon kay P/Lt. Benjamin Martinez, hepe ng municipal police station sa Magsaysay, ngayon ay wala ng pangamba si nanay Minga dahil mayroon na siyang bagong bahay na napagawa sa pamamagitan ng sama-sama nilang ambagan mula sa kanilang sariling pera.

“Isa kasi siya sa napili o na-endorse sa atin ng mga tanod sa barangay na maging benepisaryo ng aming Oplan Tabiang. Weekly natin siyang hinahatiran ng tulong, mga basic needs, katulad ng pagkain. Everytime na pumupunta ang mga pulis natin sa bahay ni nanay, nalulungkot tayo kasi, hindi siya ligtas dito, anytime babagsak ang bahay. Sa hirap ng sitwasyon niya, matanda na, bali ang braso, nadudurog ang puso namin,” pahayag ni Martinez.

- Advertisement -
Ang mga pulis Magsaysay at ilang myembro ng komunidad habang nagtutulungang makagawa ng bahay para kay Nanay Mingga

Nagsimulang itayo ang bahay noong Nobyembre 27 sa tulong ng komunidad, pulis, at ng barangay. Natapos ito noong Disyembre 4, at pormal nang inihandog kay nanay Minga.

“Ang Oplan Tabiang ang ibig sabihin ay ‘tulong’. Isinagawa siya ng pulis Magsaysay kada araw ng Biyernes. Ang pondo ay mula sa mga sariling bulsa na ang layunin ay matulungan ang mga senior citizen sa aming nasasakupan,” pahayag pa niya.

Ang bahay ni Nanay Mingga na unti unti nang nagkakahugis sa pagtutulungan ng mga pulis ng Magsaysay

Si nanay Minga, na may mahirap na sitwasyon sa buhay, ay isa lang sa maraming natutulungan ng mga pulis sa nasabing bayab. Isa lang ito sa patunay na ang mga pulis umano ay hindi dapat katakutan, kundi madalas sila din ang sandalan ng maraming nangangailangan.

Previous articleChristmas village sa San Vicente, pinailawan bilang simbolo ng pag-asa
Next articleTropical depression outside PAR intensifies to TS ‘Rai’
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.