- Advertisement by Google -

Tuluyan nang nasawi ang 45 taong gulang na lalaki na naiulat noong Linggo na nalunod sa isang public beach sa Barangay San Manuel.

Ayon kay P/Cpt. Joy Iquin ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), tinangkang i-revive ang biktima na si Randy Severino Zambrano ng mga sumagip dito bago naisugod sa ospital, subalit siya ay idineklarang dead on arrival (DOA).

Si Zambrano ay residente ng Wescom Road, Brgy. San Pedro na tumungo sa public beach sa dulo ng BM Road, kasama ang pamilya at ilan pang kamag-anak upang maligo.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na nangyari ang aksidente kay Zambrano bandang 10:50 a.m., ngunit naiulat lamang ito sa kinauukulan bandang 11:30 a.m. Ang impormasyon ay galing sa kapatid ng biktima na si Trisha Zambrano.

- Advertisement -

Sa ulat ng PPCPO, sinasabing ikinuwento ng witness na si Roman Garonita, bayaw ng biktima, na nakita niya si Randy na tumungo sa malalim na bahagi ng tubig dagat. Ilang minuto lang ang lumipas nang balikan niya ito ng tingin ay nawala na ito.

Agad niyang tinawag ang atensyon ng mga kasamahan at nakiusap din sila sa mga mangingisda na tumulong upang ito ay hanapin. Bandang 12 p.m. narekober ang katawan ni Randy na binigyan ng CPR at isinugod sa ospital, ngunit ito ay idineklarang DOA.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleAround 1,000 participants expected to join major cycling event
Next articleSC denies woman’s annulment suit vs. ‘bum’ husband
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.