Jan 16, 2021

Naiwang kandila o kuryente, posibleng dahilan ng sunog sa Brgy. Bancao-Bancao

Sa interview ng Palawan News kay FO3 Mark Anticano, sinabi nito na sa kanilang paunang imbestigasyon, nagmula ang sunog sa parting dulo ng bahay kung saan matatagpuan ang guest room at silid ng may-ari na kinilalang si Soccoro Socrates-Tan.

Naiwang kandila o electrical fault ang iniimbestigahang dahilan ng sunog na naganap sa Villa Socorro Compound sa Villarosa Street, Barangay Bancao-Bancao noong madaling araw ng Sabado, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa lungsod ng Puerto Princesa.

Sa interview ng Palawan News kay FO3 Mark Anticano, sinabi nito na sa kanilang paunang imbestigasyon, nagmula ang sunog sa parting dulo ng bahay kung saan matatagpuan ang guest room at silid ng may-ari na kinilalang si Soccoro Socrates-Tan.

“Isang linya lang kasi yon, at sa pagitan ng dalawang kwarto doon sinasabing nagsimula ang sunog,” sabi nito.

Aniya, may mga ilang piraso na ng ebidensya ang kanilang kinolekta mula sa bahay at ipadadala ito sa arson laboratory sa kanilang national headquarters para masuri.

Maaaring magtagal ang gagawing pag-iimbestiga doon ng dalawang linggo.

“Mga dalawang linggo ‘yon bago makuha ang result. Malalaman nila doon sa debris kung meron bang ignitible liquid na present doon sa debris at doon naman sa electrical wires, kung mayroon bang nangyaring electrical faults o kung nagkaroon ng shortcircuit sa wire na yon,” sabi ni Anticano.

Pasado alas tres ng madaling araw noong December 12 nangyari ang sunog, sabi ni Anticano. Dumating sila sa lugar ng 3:48 ng umaga, ilang minuto bago makatanggap ng tawag mula sa isang Lilia Sabinet na kasama ng may-ari ng bahay.

“Pagdating namin malaki na talaga ang apoy, ang kagandahan lang, kung ano yong nasusunog na parte ng bahay ng madatnan namin, di na kumalat yon. Naapula na agad namin ang apoy,” sabi ni Anticano.

 

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry