Mon. Dec 9th, 2019

Nahuli sa pasugalan, nakunan ng shabu

Nakuhanan ng tatlong paketeng pinaghihinalaang shabu ang inarestong suspek sa pagsusugal na isang perya operator, madaling araw ng Pebrero 22 sa Barangay Rio Tuba, Bataraza.

Ang suspek ay nakilalang si Joselito Perez, 45-anyos na nakatira sa Sitio Kayasyasan, Barangay Rio Tuba, bayan ng Bataraza.

Nakuha mula kay Perez ang isang sling bag na may pitakang may lamang pera, isang pakete ng sigarilyo, at tatlong pakete ng pinaghihinalaang shabu.

Siya ay nahuli ng mga elemento ng Bataraza Municipal Police Station at ng Palawan Anti-Illegal Gambling Task Force.

Kakaharapin ng suspek ang reklamo sa paglabag nito sa Republic Act 9287 o illegal na sugal, at madadagdag sa kanyang kaso ang paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act. Ang paghuli sa suspek ay sinaksihan ng mga barangay tanod ng nasabing lugar.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry