NARRA, Palawan — HIndi nagpa-awat ang pitong kalalakihan sa pagpapatupada sa gitna ng umiiral ng enhanced community quarantine kung saan ipinagbabawal ang malakihang mga pagtitipon upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng COVID-19 virus.
Apat na lalaki ang inaresto ng mga awtoridad noong Linggo sa Sitio Patilig, Barangay Aramaywan habang ang mga ito ay nagsasagawa ng ipinagbabawal na tupada ng mga sasabunging manok.
Tatlo naman ang nakatakbo matapos dumating ang mga pulis upang patigilin ang iligal na aktibitadad.
Kinilala ang mga suspek na sina Jerry Antolin Lagera, 42, Diosdado Favila Palarca, 28, Nicolas Delgado Rodriguez, 53, Alvin De Vera Panagsagan, 40, pawang mga residente ng Bayan.
Kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 (Illegal cockfighting) naman ang kanilang kahaharapin.