Sep 25, 2020

Nagbebenta ng baril, huli sa Brooke’s Point

Nasakote ng mga awtoridad sa pangunguna ni P/Capt Bernard dela Rosa si Ramos habang naghahanap ito  ng buyer ng kanyang mga ibinibentang armas.

(Photo courtesy of Brooke's Point MPS)

 

Isang lalaki ang hinuli ng mga awtoridad sa Brooke’s Point Sabado ng gabi dahil sa iligal na pagbebenta ng baril.

Ayon kay P/Capt. Ric Ramos, tagapagsalita ng Provincial Police Office, ang suspek na si Silvino Ramos, 57,  residente sa nasabing lugar ay walang naipakitang lisensya upang magtinda ng baril.

Nasakote ng mga awtoridad sa pangunguna ni P/Capt Bernard dela Rosa si Ramos habang naghahanap ito  ng buyer ng kanyang mga ibinibentang armas.

Nakumpiska mula sa suspek ang labing-isang piraso ng bala at iba’t-ibang klase ng armas kasama ang .45 pistol.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry