(PN File Photo)

Isang naaagnas na katawan ng hindi nakikilalang lalaki ang natagpuan na palutang-lutang sa karagatan, malapit sa dalampasigan ng Barangay San Jose, Puerto Princesa, kahapon ng umaga, Marso 27.

Ayon sa report mula sa Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), sa pamamagitan ng tagapagsalita nito na si P/Lt. Col. Alonso Tabi, unang naiulat sa Philippine Coast Guard (PCG) ang pagkakatagpo sa katawan ng lalaki sa Purok Masikap 1 sa Brgy. San Jose bandang alas nueve ng umaga.

Gumamit ng fish net ang mga awtoridad para makuha mula sa tubig ang naaagnas na katawan ng hindi nakikilalang lalaki sa Barangay San Jose noong Marso 27, 2022. (Larawan mula sa PPCPO)

“Hindi pa nakikilala ang katawan. Kinunan na ng sample para ma-determine na ng doctor kung gaano na katagal itong patay, o gaaano na katagal sa dagat,” pahayag ni Tabi.

- Advertisement -
Previous articleCloudy skies, scattered rains over Palawan and Mindanao due to LPA within ITCZ
Next articleAbante Sambayanan party list pushing for turning NTF ELCAC into law
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.