Musikero sa bayan ng Roxas, huli sa buy-bust operation

Isang musikero ang inaresto ng mga operatiba ng Roxas Municipal Police Station (MPS) matapos mabilhan ng pinaghihinalaang pinatuyong marijuana sa Purok Zambales, Barangay III, Roxas, Palawan. 8:00 kagabi, March 23.

Ang suspek ay kinilalang si Alejandro Uri Flores, alyas Busilak, 27 taong gulang, binata at residente ng nasabing lugar.

Pahayag ni P/Maj. Erwin Carandang, hepe ng Roxas MPS, isang buwan pa lamang nang makatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa suspek.

“Newly-identified lang ito sa amin, even the kapitan ng Barangay III ay hindi rin siya kilala. Ang information na nakarating sa amin ay dayo lang siya sa lugar at siya ang nagbibitaw ng marijuana dito sa mga kabataan,” pahayag ni Carandang.

Bukod sa nabiling marijuana, nakuha rin kay Flores ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 0.2 grams at tinatayang P1,500 at P1,560 na marked money.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry