Photo courtesy of PIA

Nagsagawa kamakailan sa Inagawan Covered Gym ng Training on Mushroom Cultivation ang Product Planning Development & Statistics Division ng City Tourism Office (CTO) ng Puerto Princesa City.

Ang pagsaasanay ay para sa mga miyembro ng Community Base Sustainable Tourism sa mga barangay ng Kamuning at Inagawan. Layunin ng pagsasanay na matulungan ang mga miyembro para sa kanilang alternatibong pangkabuhayan.

Samantala, naging tagapagsanay si Chita Castro, isang Community Organizer mula sa Northeast Barangay ng lungsod ng Puerto Princesa. Ayon sa kaniya, nais niyang makapagbigay ng dagdag kaalaman at maibahagi sa mga miyembro ang pagpapalago at pagpapadami ng mushroom.

Dumalo rin sa pagsasanay ang kinatawan ng City Tourism Office sa pangunguna ni Lalaine Gualin, Tourism OPerations Assistant, Punong Barangay Roderick Cervancia ng Bgy. Inagawan, Kagawad Mary Charmine Ringor, at ang Presidente ng Inagawan CBST na si Edmundo L. Ferrer. (MCE/PIA MIMAROPA)

About Post Author

Previous articlePCOO exec puts forward transparency initiatives in Palawan roadshow
Next articleWater interruption tonight to repair old transmission line — PPCWD