Thu. Oct 17th, 2019

Municipal fisheries & aquatic resources sa Narra, nais palawigin ang batas pang-karagatan

Nagkaroon ng pagpupulong ang mga presidente ng Barangay Fisheries and Aquatic Resources Management Council (BFARMC) at ang pamunuan Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council (MFARMC) sa bayan ng Narra sa southern Palawan hinggil sa pagpapalawig ng mga batas pang-karagatan noong ika-22 ng Abril, 2015.
Ang pulong ay may layon na palawakin ang pagpapatupad ng mga batas pang-karagatan sa naturang bayan ukol sa wastong pamamaraan ng pangingisda dahil sa labis diumanong pang-aabuso ng mga tiwaling mangingisda.
Tinalakay sa pagpupulong ang pagsasabatas ng “3.1 fathoms and above” na sukat na puwedeng pangisdaan para sa mini or baby kulong, at ang pagbibigay ng tatlong buwan na “off-season” sa pangingisda ng mga kulong, simula Marso hanggang sa buwan ng Mayo.
Ang off-season ay ipinanukala upang bigyang pagkakataon na makapag-binhing muli ang mga isa at makapagparami ng populasyon sa karagatan ng Narra.
Isa pa sa layunin ay ang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan ng mga mangingisda sa kani-kanilang teritoryo. Pinalalawak din ng MFARMC ang pagpapa-rehistro ng lahat ng mga bangka sa bayan ng Narra.
Ang nasabing pagpupulong ay pinangunahan ni Orlando Acaylan, MFARMC chairman. Ang nasabing batas ay isasangguni sa local government unit ng Narra upang tuluyang mapatupad.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply