(WARNING: This story has potentially upsetting content. Readers should exercise caution.)

Mahigit sampung pasahero ang nasaktan matapos na sumalpok ang isang multicab sa nakaparadang truck sa Asinan, Tagburos, bandang alas sais kagabi, December 29.

Ayon kay Alma Laipan, kaanak ng isang pasahero, patungo ng bayan ang multicab, at dahil madilim ang daan, posibleng hindi napansin ng driver ang truck sa gilid ng kalsada.

“May naka park po kasing truck sa gilid na nasiraan sa Asinan, Tagburos. Medyo madilim kasi kaya di na siguro napansin ng  multicab na maraming sakay. Papunta pong bayan ang nasabing multicab. Sa kasamaang palad sumalpok po sa naka parading truck sa gilid ng Kalsada,” pahayag ni Alma.

Nagkataon din na walang nakaupo sa harapang upuan ng multicab, ayon sa kanya, kung saan makikita ang matinding pinsala.

Ang mga pasahero, agad na isinugod ng mga rumesponde mula sa KAAC at tauhan ng Philippine Coast Guard sa  pagamutan, kung saan isinailalim sila sa pagsusuri matapos na magtamo ng pinsala ang ilan sa ulo.

Dinala naman sa City Police Station 1 ang driver ng multicab para sa isinasagawang imbestigasyon.

About Post Author

Previous article12 OR 13? How many fruits do we really need to attract good luck this New Year
Next articleSTRONG
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.