PN File

Bukas na para sa mga residente ng bayan ng Coron ang Mt. Tapyas View Deck Park na matatagpuan sa Barangay Poblacion 4, matapos na payagan ng Municipal Inter-Agency Task Force on COVID-19 (MIATF) ng MIATF ang leisure and tourism activities sa bayan.

Ang Mt. Tapyas ay isa sa mga pangunahing tourist attractions sa bayan ng Coron na dinadayo ng mga residente at mga turista noong panahong wala pa ang Covid-19.

Sa impormasyong inilabas ng Coron Information Office noong July 22, inaprubahan ng Municipal Inter-Agency Task Force on Covid-19 (MIATF) ang muling pagbubukas ng leisure and tourism activities sa lahat ng tourist attractions ng Coron na nagsimula noong July 23 para sa mga residente ng nasabing bayan upang makapanumbalik ang ekonomiya ng bayan at muling mabuksan sa mga mamamayan ang mga negosyong umaasa sa tursimo.

Ayon kay Punong Barangay George Rios ng Poblacion 4, agad nilang inihanda ang mga karatula sa entrance ng Mt. Tapyas may kaugnayan sa mahigpit na pagsunod sa health and safety protocols para sa mga aakyat dito, kabilang na ang paalala para naman sa pagliligpit ng mga basura ng mga aakyat dito.

“Naglagay kami agad ng mga reminders ukol sa basura, iligpit at huwag itapon sa paligid. Ito ay para mapangalagaan ang ganda ng Mt. Tapyas,” pahayag ni Rios.

Dagdag niya, mahigpit din na bilin sa kanila ng MIATF na bantayan ng maayos ang mga umaakyat dito at tiyaking hindi lalagpas at nasusunod ang 50 percent capacity ang mga aakyat sa lugar alinsunod sa isinasaad sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) protocols.

Ang Mt. Tapyas ay kilala bilang isa sa mga pangunahing tourist destination ng Coron kung saan nakatayo ang isang higanteng krus na nagsisilbing landmark ng bayan. Makikita rin dito ang view ng kabayanan ng Coron.

Previous articleWater district announces water supply interruptions
Next articleInsular Life names new Chief Operating Officer
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.