Patay na ng umabot sa pagamutan ang isang lalaki matapos na bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang SUV sa kahabaan ng national highway sa Sitio Calaeten, Barangay Malcampo sa bayan ng Roxas bandang 10:30 kagabi, September 9.

Base sa report ng Roxas PNP, binabaybay ng motorsiklo ang national highway mula sa Barangay Malcampo sa bayan patungo sa Barangay San Jose nang pagdating nito sa lugar na pinangyarihan ng insidente ay kinain ng SUV ang linya ng motorsiklo na naging dahilan ng banggaan.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Roxas PNP ang motorsiklo ng nasawing biktima na kinilalang si Donald Zapico, 26 taong gulang habang ang driver naman ng SUV na kinilalang si Charlie Cachuela ay nasa Roxas Baptist Hospital matapos itong dalhin ng mga kaibigan nito sa nasabing pagamutan.

Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ng pulisya ang kabuuang danyos sa nangyaring aksidente

About Post Author

Previous article5 wanted sa batas, arestado sa Rizal
Next articlePAL prohibits transport of pork products to Puerto Princesa, other domestic flights.
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.