brgy.conception

(TRIGGER WARNING: This story has potentially upsetting content. Readers should exercise caution.)

Dead-on-the-spot ang isang driver ng motorsiklo, habang isinugod naman sa pagamutan sa lungsod ang angkas nito matapos na bumangga sa kasalubong na van sa kahabaan ng national highway sa may Brgy. Concepcion sa lungsod ng Puerto Princesa, alas singko kahapon, October 10.

Base sa report ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), patungong bayan ang Toyota Hi-ace van na minamaneho ng 25 taong gulang na si Ivan Bundac Constantino. Sakay nito ang kanyang tatay at nanay at dalawa pang pasahero nang biglang bumangga ang kasalubong nitong motorsiklo sakay ang dalawang lalaki.

Ayon sa isang saksi, bago nangyari ang aksidente, nakita pa ang motorsiklong mabilis ang takbo.

“Bago po kasi nangyari, dito sa Brgy. Concepcion sa Sitio Tarabanan malapit sa pinangyarihan ng aksidente, noong dumaan kasi silang dalawa dito sobrang bilis nang takbo ng motor,” pahayag ng saksi na si Joy Casilan.

Sa lakas ng impact ng banggaan, ayon kay Casilan, tumilapon ang angkas na si Gabriel Bacabag Mendoza, 28 taong gulang, at agad na binawian ng buhay ang driver na si Jerson Geguillan Evangelista, 37 taong gulang.

“Ang angkas po nasa metro ang layo sa motor. Tapos ang driver di naman masyadong nahiwalay sa motor nila, pero sobrang wasak po ng Motor, Dagdag ni Casilan.

Agad namang dinala sa pagamutan si Mendoza para sa agarang medikasyon.

Kasalukuyang isinasagawa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.

About Post Author

Previous articlePaggunita sa mga walang ngalang bayani, isinagawa sa Boac, Marinduque
Next articleTech4Ed Center ng DICT, binuksan sa Busuanga
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.