Larawan mula sa Police Provincial Office (PPO)

[UPDATED] Patay sa aksidente sa national highway sa Purok Pag-asa, Barangay IV, Roxas ang isang 24 taong gulang na motorcycle rider matapos mawalan ng kontrol dahil sa mga tipak ng bato sa daan at mahulog sa may kalaliman na kanal.

Ang nasawi noong Mayo 29, bandang 11:20 p.m., ay kinilalang si Raymond Saz Tirol, residente ng natura rin na barangay.

Ayon sa ulat mula sa Police Provincial Office (PPO), sa pamamagitan ng tagapagsalita nito na si P/Maj. Ric Ramos, naaksidente si Tirol habang binabagtas niya ang Barangay III pauwi sa kanyang bahay sa Brgy. IV sa north to south na direksyon.

Ngunit pagdating nito sa lugar kung saan naganap ang aksidente, nawalan ito ng kontrol sa minamaneho na motor dahil sa bato sa kanang bahagi ng kalsada at nahulog sa may kalaliman na kanal.

Dinala siya sa ng mga rumespondeng personnel ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) kung saan nalaman na ito ay nagtamo ng malalang tama sa ulo at leeg. Dahil sa tindi ng tinamong injury, idineklara itong dead on arrival nang sumuri na doktor.

Previous articleCity tourism features Sabang Waterfalls in Puerto Princesa
Next articleSuspek sa ilegal na pamumutol ng kahoy, arestado sa Brooke’s Point
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.