Ang mga obra ni Kings na ngayon ay makikita sa kaniyang shop sa Sitio Balintang, Isugod, Quezon. | Photo from kings Hermogenes facebook account

Kinagigiliwan sa social media ang mga kakaibang artworks ng isang motorcycle shop owner sa Barangay Isugod sa bayan ng Quezon.

Mula sa mga sirang motor parts at pirapirasong bakal ay nalilikha itong metal art na may disenyong kahalintulad ng motorsiklo, helikopter, iba’t ibang uri ng hayop, at robot ng tubong Quezon na si Kings Hermogenes.

Sa kalagitnaan ng pandemya noong 2020 ng maisipan ng full-time mechanic na si Kings na gawing mga metal art ang mga bakal mula sa mga inaayos niyang mga motorsiklo bilang libangan lamang habang wala pa masyadong mga customers.

Nagsimulang mapansin ang kanyang mga artwork ng idisplay nya ito sa kanyang shop. Dahil dito, marami ang nagkakainteres sa kanyang mga gawa na naibebenta niya sa halagang Php300 hanggang Php500, depende sa hirap ng disenyo.

“Simula nung na feature ang mga obra ko sa Facebook, reserved na lahat. Nasa Hawaii pa yung ibang gustong bumili. Yung iba naman mga resort owner, meron din mga pulis. Nag-start ako mga 2020 kaso libangan ko lang naman kasi gumawa nun, Kaya di pa ganun kadami nagawa ko,” kwento niya.

Dagdag pa nito, inspirasyon niya sa paggawa ng mga metal art ang mga napapanood niyang kahalintulad na mga disenyo online. Kanya rin itong pinag aaralan upang makagawa pa ng ibat-ibang kakaiba at komplikadong disenyo.

Sa ngayon ay nakatulong din sa kanya ang pagbebenta ng mga artworks upang magkaroon ng extra income na pang-gastos sa pang-araw-araw niyang pangangailangan.

Payo niya sa mga kabataan, palawakin pa ang imahinasyon upang makagawa ng mga ganitong klaseng mga obra na posibleng pagmumulan ng pagkakakitaan na makakatulong sa sarili at pamilya.

About Post Author

Previous articleBagong unit ng siphoning truck ng kapitolyo, dumating na
Next articlePalawan named among ‘Go List 2023’ in Asia by Fodor’s Travel
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.