Isang motorsiklo na iniwan ng hindi nakilalang driver ang na-impound ng City Traffic Management Office (CTMO) nang maubusan ng gasolina matapos na makipaghabulan sa mga tanod ng Barangay Sicsican sa lungsod ng Puerto Princesa nitong Biyernes ng gabi, Marso 25.

Sa post ni city informaton officer Richard Ligad sa kanyang Facebook page na We R1 at Your Service, sinabi nito na ayon sa mga barangay tanod ng Sicsican ay gabi-gabing may nagpapahabol na mga kabataan sa kanila habang ang iba ay nagdi-dirty finger pa.

At nitong Biyernes ng gabi nga ay naabutan ng mga tanod ang isang motorsiklo na iniwan ng driver sa gilid ng kalsada dahil ito ay tumatakas.

Agad naming rumesponde ang Anti-Crime Task Force (ACTF) para kunin ang motorsiklo at saka isinalin sa pangangalaga ng CTMO.

Nanawagan din si Ligad sa kung sinuman ang may-ari ng nasabing motorsiklo na puntahan lamang ito sa tanggapan ng CTMO para kunin.

“Pakidala na lang ang complete papers po nito. Salamat po,” ayon sa Facebook post ni Ligad.

Previous articleDalawa sugatan matapos maaksidente ang sinasakyang motorsiklo sa Brooke’s Point
Next articleEducate, Elevate, and Protect
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.