- Advertisement by Google -

Hawak na ngayon ng police personnel ng bayan ng Cuyo ang No. 1 most wanted ng probinsya ng Aklan dahil sa kasong panggagahasa matapos itong maaresto noong Sabado, September 10, sa Barangay Funda.

Ang rape suspect na pinaghahanap ng Batan Municipal Police Station (MPS) ng Aklan ay kinilalang si John Lester Francisco Gallardo na inaresto sa bisa ng warrant na ibinaba ni Judge Bienvenido P. Barrios Jr. ng Branch 3, 6th Judicial Region, ng Regional Trial Court sa Kalibo sa kasong statutory rape.

Ayon sa Cuyo MPS, Abril ngayong taon nang simulan ang paghahanap ng mga awtoridad kay Gallardo matapos itong ireklamo ng panggagahasa ng isang menor de edad sa kanilang lugar.

Maliban sa pagiging most wanted sa munisipyo ng Batan, No. 8 most wanted din ito sa probinsya ng Aklan at No. 5 most wanted naman sa PNP Region 6.

- Advertisement -

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articlePortion of Lawak in WPS now a nat’l government-designated protected area
Next articleAlexandra Eala makes history, wins US Open girls’ singles title
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.