Nasa pangangalaga na ng City Police Station 1 ang most wanted person ng Puerto Princesa matapos na maaresto ito sa bayan ng Roxas, alas dos ng madaling araw ng Miyerkules.
Ang inaresto ay kinilalang si Romulo Alvarez Tabangay, 34, at residente ng Barangay Simpucan.
Naaresto ito ng pinagsanib na puwersa ng PPCPO, ROXAS PNP, RMFB, a JTG-NORTH/ MBLT 3, sa Sitio Candelaria, Brgy. Tagumpay, bayan ng Roxas.
Si Alvarez ay inaresto dahil sa kasong paglabag sa Section 5 ng RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Sa pahayag naman ni Regional Mobile Force Battalion-Taytay P/Cpr. Rodolfo Labayo, isa sa mga operatiba, una ng nalabasan ng warrant ang suspek noong 2014 ngunit hindi nagpapakita sa mga pagdinig laban dito.
“2014 unang nalabasan ng warrant ang suspek, pero nakapag-bail siya. Pinatawag siya sa mga hearing pero hindi siya pumupunta, ni-releasan ulit siya ng warrant without bail. Dalawang beses na siya inoperate, pero madulas,” he said.