Jul 8, 2020

Most wanted person inaresto sa bayan ng Quezon

Kinilala ang suspek na si Junrey Casido Palomar, 27, tubong Negros Oriental subalit naninirahan sa Barangay Culasian, Rizal.

Photo courtesy of Quezon MPS.

QUEZON, Palawan — Isa sa 10 most wanted person na sangkot sa kasong robbery ang naaresto sa bayan na ito noong May 4.

Kinilala ang suspek na si Junrey Casido Palomar, 27, tubong Negros Oriental subalit naninirahan sa Barangay Culasian, Rizal.

Ayon sa ulat ng pulisya sa pangunguna ni P/Maj. Llodel Lota, hepe ng Quezon MPS, inaresto siya sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Ramon Chito Mendoza ng RTC Branch 165 sa Brooke’s Point para sa kasong robbery. May piyansang inilaan na P48,000.

Sa ngayon siya ay nasa kustodiya ng Quezon MPS para sa tamang disposisyon.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry