Nov 29, 2020

Most wanted ng San Vicente, inaaresto sa Linapacan

Ang inaresto noong gabi ng November 17 ng mga operatiba ng Linapacan Municipal Police Station (MPS) ay kinilalang si Jay-Ar dela Cruz Limco. Inaresto ito sa Barangay San Nicolas matapos ang ilan ding taon ng pagtatago, ayon sa hepe ng pulisya sa naturang munisipyo na si P/Maj. Thirz Starky Timbancaya.

Larawan mula sa Linapacan MPS

Hawak na ng mga awtoridad sa bayan ng Linapacan ang isang 40 anyos na lalaking “most wanted” sa bayan ng San Vicente dahil sa panggagahasa sa menor de edad na anak ng kanyang dating kinakasama.

Ang inaresto noong gabi ng November 17 ng mga operatiba ng Linapacan Municipal Police Station (MPS) ay kinilalang si Jay-Ar dela Cruz Limco. Inaresto ito sa Barangay San Nicolas matapos ang ilan ding taon ng pagtatago, ayon sa hepe ng pulisya sa naturang munisipyo na si P/Maj. Thirz Starky Timbancaya.

Hawak na ngayon ng mga otoridad ang  ay most wanted ng San Vicente, Palawan. Ito ay matapos na maaresto ng mga tauhan ng Linapacan Municipal Police Station, sa baranggay San Nicolas, Palawan. 11:30 ng gabi, November 17. Martes

“From San Vicente ay tumakbo ito papuntang Rizal tapos, dito sa San  Nicolas. Nagpalit pa ito ng pangalan, ang kanyang pakilala  siya ay si Ponyo, kaya lang base doon sa warrant of arrest niya ang pangalan ay Jay-ar. Noong papalapit ako sa kanya, nakatalikod siya. Sumigaw ako ng Jay-ar, lumingon sa akin. Positibo na siya,” pahayag ni Timbancaya.

Dagdag pa ni Timbancaya, naging mabilis ang ginawa nilang pagtrabaho para madakip ang suspek matapos na makatanggap sila ng impormasyon sa planong pag-alis nito sa Linapacan.

“May info na nakarating sa atin na may plano nanaman ito na paalis na papuntang Lucena, kasi taga-doon talaga ito. Kaya noong time na sinabi sa amin na paalis na yan, baka tuma-timing lang sa panahon yan pauwi ng Lucena, inunahan ko na,” sabi ni Timbancaya.

 

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry