Oct 26, 2020

Most wanted ng Rizal, arestado

Ayon sa impormasyong naibigay ng Provincial Police Office, naaresto si Muntias dahil sa kasong paglabag sa Sec. 10 ng R.A. 7610 – Other acts of Neglect, Abuse, Cruelty or Exploitation and other Conditions Prejudicial to the Child’s Development.

Isang magsasaka na most wanted sa bayan ng Rizal ang naaresto ng mga awtoridad sa Barangay Culasian sa bayan ng Rizal, Linggo ng gabi.

Kinilala ni P/Capt. Ric Ramos, tagapagsalita ng Provincial Police Office ang nasabing lalaki na si Tutoan Muntias, 19, residente ng nasabing lugar.

Ayon sa impormasyong naibigay ng Provincial Police Office, naaresto si Muntias dahil sa kasong paglabag sa Sec. 10 ng R.A. 7610 – Other acts of Neglect, Abuse, Cruelty or Exploitation and other Conditions Prejudicial to the Child’s Development.

Sa panayam naman ng Palawan News kay P/Maj. Salvador Tabi, hepe ng Rizal Municipal Police Station (MPS) ang suspek ay kabilang sa sampung nangungunang wanted sa kanilang bayan simula nakaraang taon.

Nahirapan din umano ang mga awtoridad na mahuli ang suspek sa kadahilanang malayo ang lugar na pinagtataguan nito at natunugan ang kanilang unang operasyon sa pagdakip sa suspek.

“Listed yan as one of the top 10 most wanted ng Rizal Municipal Police Station. Actually, listed yan since last year. Inoperate na namin iyan one time, kung hindi ako nagkakamali last week ng January or 1st week ng February (taong kasalukuyan) pero hindi namin nakuha kasi nakatunog na nandoon kami sa area, kaya nakaalis agad siya,” ayon kay Tabi.

“Remote area kasi ang Barangay Culasian kaya hindi namin basta mapuntahan iyong lugar. Then iyong location niyan interior pa, malayo pa ang nilakad namin bago namin napuntahan iyong bahay niya. So hindi namin nakuha noong unang inoperate namin siya,” dagdag pa ni Tabi.

Rape ang orihinal na sinampang kaso ng mga pulis sa suspek ngunit ito’y binaba ng Provincial Prosecutor sa violation of Republic Act 7610.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry