Jan 16, 2021

Most wanted ng Puerto Princesa, inaresto sa Taytay

Ang inaresto ay kinilala ni P/Cpt. Dhayrius Redondo ng Taytay police station bilang si Edison Alorro Gonzales na may kasong statutory rape, ganoon din ng sexual assault at acts of lasciviousness, dahil ang kanyang biktima ay menor de edad. 

Larawan mula sa Taytay MPS

Hinuli ng mga awtoridad sa bayan ng Taytay noong Biyernes ng gabi ang isang 51 anyos na lalaking tinaguriang “No. 1 Most Wanted” ng Puerto Princesa City dahil sa kasong statutory rape.

Ang inaresto ay kinilala ni P/Cpt. Dhayrius Redondo ng Taytay police station bilang si Edison Alorro Gonzales na may kasong statutory rape, ganoon din ng sexual assault at acts of lasciviousness, dahil ang kanyang biktima ay menor de edad.

Sabi ni Redondo, inaresto nila si Gonzales sa harap mismo ng kanilang bahay sa Poblacion, Taytay.

“Under custody pa namin siya, hindi pa naco-commit baka next week pa. Nalaman namin kung saan siya naroroon kasi may intelligence report na nakarating sa amin,” sabi ni Redondo.

“May nagsabi rin na isang concerned citizen na nadoon siya sa lugar kung saan namin siya nahuli, at nahuli nga namin siya sa labas ng bahay niya,” dagdag niya.

Sinasabing taong 2016 pa inumpisahan ng suspek ang panggagahasa sa menor de edad nitong biktima na kanyang kapitbahay noong naninirahan pa ito sa Puerto Princesa.

 

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry