Home NEWS OF THE DAY Most wanted ng Cebu dahil sa kasong double murder, arestado sa Culion

Most wanted ng Cebu dahil sa kasong double murder, arestado sa Culion

2
0
Most wanted double murder suspect ng Cebu na si Roger Deloy, 58 taong gulang.

Hindi na nakapanlaban pa ang most wanted double murder suspect ng Cebu na si Roger Deloy, 58, nang arestuhin ito ng mga pulis sa pinagtataguan niya sa Sityo Alava, Barangay Binudac sa bayan ng Culion, alas kuwatro kaninang madaling araw, Hunyo 20.

Ayon sa hepe ng Coron Municipal Police Station (MPS) na si P/Cpt. Ervin Plando, si Deloy na tumira sa Malcapua Island sa Brgy. Bulalacao sa Coron ay taga Poro, Cebu. Suspek siya sa double murder ng mag-asawang sina Narciso at Nazarita Gulayan noong Hunyo 9, 2008, matapos masangkot ang kanyang anak sa nakawan.

Most wanted double murder suspect ng Cebu na si Roger Deloy, 58 taong gulang.

“Tanod siya ng Barangay Mercedez, Poro sa Cebu, at nadawit ang anak niya sa nakawan ng kambing sa lugar na pagmamay-ari ng kamag-anak ng mga sinasabing napatay niya. Nagalit daw siya dahil itong mga biktima ang nagpipilit na sampahan ng reklamo ang anak niya,” pahayag ni Plando na nanguna rin sa operatiba ng pulis na umaresto kay Deloy.

Ayon pa kay Plando, sinabi ng suspek na pagkatapos ng insidente ay tumakas ito papuntang IloIlo at saka sumakay ng lantsang Hikari patungo naman sa bayan ng Coron kung saan ito nanirahan.

Palipat-lipat din ng lugar na tinitirahan ang suspek sa mga bayan ng Coron at Culion, ayon pa kay Plando, bago nila ito nadakip.

Naging matagumpay ang pag-aresto dito dahil sa isang informant na unang nakita si Deloy sa Bulalacao sa Coron noong Hunyo 18. Agad umalis ang suspek papuntang Binudac sa Culion para magtago matapos matunugan na pinaghahanap na ito ng mga awtoridad.

Ayon pa kay Plando, may reward ang informant na nagbigay ng impormasyon para maaresto si Deloy. Nagpapasalamat din ang mga kamag-anak at kapamilya ng mga biktima nito dahil sa pagkakadakip sa kanya sa Palawan.

Taong 2011 nang mapasama ang pangalan ni Deloy sa inilibas na listahan ng Cebu Provincial Police Office Intelligence Branch kung saan may inilaang P135,000 na reward sa sino mang makapagtuturo sa kinaroroonan nito.

Previous articleMga suspek sa kasong theft, murder, at illegal possession ng chainsaw, dinakip
Next articleHousehold waste segregation can aid PH climate action
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.