Inaresto ng Aborlan municipal police ang isang mangingisda na itinuturing na No. 3 most wanted sa municipal level dahil sa paglabag nito sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act at Philippine Fisheries Code, kahapon ng umaga, March 22.

Ang inaresto sa Brgy. Ramon Magsaysay, Aborlan, ay kinilalang si Collen Magalang, residente ng natura rin na lugar.

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng warrant na ibinaba ni Judge Jose Bayani Usman ng Branch 51, 4th Judicial Region, Regional Trial Court (RTC) noong March 22 dahil sa paglabag sa Section 27 (A) ng Republic Act 9147, o Wildlife Resources Conservation Act, at Section 102 ng Philippine Fisheries Code.

Para sa pansamantalang kalayaan habang dinidinig ang kanyang kaso ay pinayagan siyang maglagak ng piyansa na sa P72,000 sa isang kaso, at P120,000 para sa isa pa.

About Post Author

Previous articlePulis na nahulihan ng P6.7 bilyong halaga ng shabu, sinibak sa tungkulin
Next articleSuporta ng AVPP, malaking bagay sa mga nagra-rally vs minahan sa Brooke’s Point