Jul 12, 2020

ML craze, nakarating sa malayong barangay ng Quezon

Ayon kay barangay Aramaywan SK chairman Romy Rich James “Butch” Medina, ang palaro ay gagawin sa format na single elimination round.

QUEZON, Palawan — Dinagsa ng mga lokal na manlalaro ang kauna-unahang Mobile Legend (ML) palaro na gaganapin sa Barangay Aramaywan sa darating na March15.

Ayon kay barangay Aramaywan SK chairman Romy Rich James “Butch” Medina, ang palaro ay gagawin sa format na single elimination round.

Idinagdag din niya na sa bubuing mga teams na sasali sa palaro, dapat dalawa o tatlong miyembro ng team ay residente ng barangay.

“Hindi ko sukat akalain na maraming maiingganyo sa larong ito. Syempre alam naman nating sikat ito bilang mobile game ng mga kabataan pinoy. Ito po ay libangan lamang ng mga kabataan, pero kahit paano mayroon din pong matatanggap na cash gift yung mapipiling tatlo, winner, 1st runner up at 2nd runner up” ayon kay Medina.

Maliban sa ML, idinagdag din ni Medina mayroon ding Iba’t-ibang mga sayaw at palaro tulad ng dance contest at zumba, volleyball, billiard, at ang nakakatuwang slow drag racing ng mga motor. Ito ay may tatlong kategorya, hiwalay ang mayroong clutch bilang kategorya A, automatic bilang kategorya B at para sa automatic pero skoter bilang kategorya C, ang pinakamabagal at huling hihinto ang syang tatanghaling kampyon,.

Ang kabuuang programa sa loob ng walong araw ay ang mga sumusunod;

March 10-elementary night,
March 11-barangay night,
March 12-Quezon Aramaywan NHS night,
March 13-Amateur singing contest,
March 14-event proper

1. opening parade
2. Parlor games
3. SK night
March 15-
1. Morning Mass,
2. ML tournament sa hapon,
3. Mutya ng Aramaywan
March 16-last night (Awarding night).

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry