(Larawan mula kay Sairal Unos)

Isang mister ang nananawagan sa kanyang misis na umuwi na matapos itong umalis ng madaling araw ng Enero 21 sa kanilang bahay dahil sila ay nag-away.

Ayon kay Sairal Unos, ang mister ni Suzie Unos, umalis ito alas kwatro ng madaling araw noong Biyernes sa kanilang bahay sa Barangay Panitian sa Sofronio Española at hindi sinabi kung saan pupunta.

“Nagtalo kami, tapos kinabukasan (Biyernes) umalis siya iniwan niya ang mga anak namin. May two years old [kaming anak] na iyak nang iyak, na halos hindi na makakain. hinahanap siya,” pahayag ni Sairal.

Dumulog si Sairal sa Palawan News matapos mabalitaan na may nakitang katawan ng babae sa Mitra Road sa Barangay Sta. Monica kaninang bandang alas syete ng umaga, Enero 23.

- Advertisement -

Aniya, pinuntahan nila ang lugar para alamin kung ito nga si Suzie.

“Galing kami doon, hind siya ‘yun, tiningnan na namin. Galing sa Sofronio Española, pumunta kami dito sa Puerto para hanapin siya, para sa mga bata,” dagdag nito.

“Sana umuwi na siya at ayusin namin ang problema para sa mga bata. Kung ayaw niyang bumalik, puwede naming pag-usapan ng maayos sa barangay,” pahayag ni Sairal.

Aniya, gusto niyang mabuo ang kanilang pamilya, ngunit wala naman umanong problema kung may iba ng boyfriend si Suzie.

“Ang mahalaga lang ay pag-usapan namin ang aming problema,” pahayag ni Sairal.

Previous articleTouring PH virtually: DOT launches new ‘ASMR’ travel experience
Next articleCity gov’t extends deadline for renewal of business permits, trike mayor’s permits
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.